::Seminar Preparation::++
Saturday, August 23, 2008




Eto ang resulta ng digicam video. Alam ko na ang isang downside neto, di ko sya mazoom in or out once na nagstart na yung recording tapos wala ding pause. Stop lang meron. O baka sa digicam ko lang yun? Anyway, rehearsal lang naman to. Preview sa sabi nga ni Ryan, nakansela naming kahihiyan. hehe!


Divine intervention. Buti na lang talaga. :)


Maganda palang vinivideo na lang ang mga pangyayari. hehe!


Ang cast nga pala:
Iba yung acting sa dubbing. So ang unang pangalan ay sa actor tapos sunod na lang yung dubber.


Holdupper: Deneb and Julie Ann
Ex-Gf ng holdupper: Glaiza and Chet
Guard: Ryan and Erika (not sure, hehe)
Colonel: Vest and Erika
Reporter: Maybelle and Erika
Coñio girl: Rey Anne and Marisse
Hotline girl: Erika
Boss: Chet
Komander: Mic and Marisse
Bank Customer: Ronnie and Chet (not sure. hehe)


*main characters yata yung nakabold. hehe


Ayan, take the opportunity na magcomment. Baka yun talaga ang purpose kaya napostpone eh. Hehe! Medyo di nga lang rinig yung dub kasi maingay yung mga nanonood. Hehe!


ipinagkalat sa ganap na::
1:54 AM

0 comments

---++---

::Hirit bago magpasukan::++
Tuesday, June 10, 2008


hmm... last of the pyro series. nyak pati pyro may series na. hehe! Kasama si Mic, hs friend Jen at ang mga truffles. since nakwento ko yung first two pyro, kukwento ko na rin na nakumpleto namin ni Mic ang pyro vigil. Yung last time makalat. Dusty kasi tapos shrapnels flew all over the place. Nakakatakot pero maganda para saken, di natuwa si Mic eh. toinks!


anyway, tapos na lahat ng bbf people sa ojt, i suppose. yet, pasukan na ulit.


di ko mapigilang manghina lalo na dahil, nagbabalik ang 7:30A.M. schedule. hindi na ako magcocomplain. good luck na lang.


at sa lahat ng mga papasok na rin sa school... si ly, balita ko 1 week ago pa nagsimula ang klase...


let's do this. let's kick some ass! <-- turo ni Mic, sorry kung offensive (sinisi eh...) haha!


ipinagkalat sa ganap na::
1:26 AM

---++---

::Pyrolympics Again::++
Friday, May 16, 2008


I can't help but to tell that we've also seen the second Saturday of the WPyro. Though we had to struggle against the bad weather... The first part had to happen while it was raining really hard. So hard that I was adviced to go home even when I just arrived at the Taft-MRT station, but hardly accepting coming all the way there for nothing, I stayed for a while. I tried to find consolation in eating ensaymada then shrimpballs. Then, I heard faint sounds of fireworks which I didn't notice(or I didn't think it was possible so I pretended not to notice) instantly. After eating, I saw a couple of people gather by the corridor facing MOA. Indeed I saw the WPyro has already started amidst the heavy rain. It was like looking at a blurred picture. I thought the lights(of the fireworks) go out sooner because of rain... but I was told later that I was just too far and it was raining that's why I can't say I've appreciated it. Although, having to start it even though it was raining kind of impressed me.


After the first part ended and the rain started to fade. I received a text msg that my companion was already there and to think that he told me to just go home. So I went and met him and we watched the second part together. There wasn't as much people as last Saturday. The edge of the baywalk was still wet from the rain but later, it was where we sat and watched. I liked the view from there so much. We were so near and we could see the low ones which can't be seen from afar. Downside: the sound was much louder as well and the risk of the firecrackers accidentally go straight to you. Hehe!


We went home after buying each our mothers half a dozen of Krispy Kreme donuts for Mothers' Day which is the next day. We later regretted that move. I like Mister Donuts better or French Baker, we thought of buying there.


Next Saturday/tomorrow, we're going to Obando, Bulacan for the fiesta celebration. It's the day where singles, as they told me, will dance for good luck (in looking for their partners? happy love life? dunno! but I think it was something like that). Then on Sunday it was the dance more known, the one people do to have/wish for a child/ren.


Today, we'll be tellers of the enrollment in UST. Just for today. We're almost done with OJT! Wooh... I've been waking up so early and sleeping so late this week. I can stand it no longer! Tomorrow's call time is 6am too! XD


ipinagkalat sa ganap na::
5:35 AM

---++---

::ChetLy's 14th monthsary::++
Sunday, May 4, 2008










May 3, 2008 - kung di lang kami absent-minded, siguro may nagpacheeseburger. haha!Ü


Anyway, noong araw na ito rin ay first day ng World Pyrolympics. Kaya naman sinugod namin ang MoA at nanood kahit walang ticket.


1. Magulo ang invitation. Ang lakas pa nang pagkakayaya sa'ken tas yung iba hindi niyaya. Haha! Akala nya yata, invite one and everyone else follows. Naglast-minute invite rin na nag-end up na lang samin nina Mic at ChetLy.














2. Meeting Place: Power Books. Ewan ko kung bakit dun pero sina Chet at Mic lang nagkasundo.


3. Umulan ng malakas ng mga 4pm. Mukhang pwedeng mapostpone yung show. Nagdoubt pa si Mic na matutuloy kasi basa na daw yung pulbura. Pero dahil tumila naman yung ulan by 5pm, napapunta na rin ako sa MRT station kaya natuloy na rin kami. Si Mic muna una kong nameet. Nagkakasalisihan pa pero nagkita rin at sabay na pinuntahan si Ly sa Power Books na syang pinakamaagang dumating... Hmm... Pareho ata kaming hindi late ah? ^__^ Bigla na lang rin sumulpot si Chet sa loob ng Power Books. Ayun, paglabas, napapabulong si Mic. Mga chaperone daw kami nung dalawa. Hehe!


4. Nagugutom na si Mic at Ly... kaso quarter to 7pm na. Akala ko 7pm yung start. Pero ayun, bumili muna kami ng burger meal sa McDo. 7:30 pa naman pala yung start.


5. Naghanap ng pwesto. Dahil walang ticket, dun lang kami sa may sidewalk bago mag bldg. ng IMAX. Ang daming tao... pero nakasingit na rin kami sa medyo ok na pwesto.


6. Naubos yata muna namin yung meal namin bago nagstart yung show. Kakaulan lang rin nun kaya kahit di pa nagsstart yung show, napapa-woah na rin yung mga tao sa mga kidlat. Ang laki nung mga lumalabas na kidlat tas branch-branch pa across the wide sky. Hehehe!


7. Nagstart na yung 1st presenter. China. Sumasabay pa yung kidlat sa fireworks kaya astig!


8. After ng 1st batch of fireworks, binuksan ang entrance. Nakapasok kaming walang mga ticket. Nanood ng "fire" works... hehe! Este yung mga dancers na naglalaro ng apoy. Este naglalaro ng literal na apoy. Haha!Ü


9. Naglakad-lakad... nagpicture-picture... 9pm pa kasi yung next batch. Germany. Hanggang sa sumama na pakiramdam ni Ly. Sinamahan namin ang ChetLy sa may sakayan pauwi.











10. Naglakad na ulit kami ni Mic papunta sa dating pwesto nang biglang narinig namin na nagstart na ulit ang putukan. Tumakbo kami oh... from one entrance to another na sinara na ulit from free entrance. Kelangan na ulit ng ticket. Ended up sa dating pwesto. Para lang syang re-play nung una eh... Tas nag-iba rin... may bagong klase na. Sa huli, sabay-sabay nang pinaputok yung mga pailaw(naks!). Siguro tinamad na yung mga andun. Hehe! Pero ayun... Natapos rin ang palabas.


11. Guess what? Uwian na shempre. hehe! Libre pamasahe, may sukli pa. ^__^



ipinagkalat sa ganap na::
6:14 PM

---++---

::OJT::++
Friday, April 4, 2008


Buong week nang mabubusy ang banking people. Ni di na makaupo para makapagPC. Malamang natutulog na lang agad pag-uwi. Dahil ito sa nag-umpisa na ang summer classes namin. Bukod pa dun, kelangan na rin naming mag-umpisang bunuin (hehe!) ang 200-hr OJT namin sa Bank or Non-bank Institutions. Most of us sa bank mag-oojt. Yung iba nakapag-start na yung iba next week pa. We're running out of time na nga eh kasi iniexpect ng mga prof na matapos namin yun within summer, bago ang enrollment for next sem. Tsk!


Kayo, kamusta naman? May summer classes, bakasyon na, o stuck sa bahay? hehe!


ipinagkalat sa ganap na::
10:26 PM

---++---

::Feb 29::++
Tuesday, April 1, 2008


Naaliw na sa over night. Gusto pang umulit. Kaya naman, pumunta ulit kami dun. Wala na mashadong gagawin kaya naman mukhang pagliliwaliw na lang yun. Relax muna dahil busy kami buong linggo.


29 pala, birthday ko ulit! Pagpasok ko, "Happy Birthday, Rox!" May banner pa! "Wow!" Yun lang ang nasabi ko. Tapos yung classmate kong si Neb, hinila ako papuntang kwarto. Andun si Mic, tapos pumasok din si Chet. Discussion ng mga naka-attend sa 1st birthday ko this year.(?!)



"Isang napakalaki mong sinungaling..." sabi saken ni Neb. Hehe! Di ko alam sasabihin ko. Gusto ko lang lumipas ang araw na yun and for the next 3 yrs, di ko na sya poproblemahin. Sinabi ko nalang na basta, birthday ko na rin yun. Tapos sabi nya, "May cake kaya sayo si Rey Anne." Huwaaat? Biglang may tumawag na nga sa akin. Tadah! May cake nga. T_T


video
mukhang timang lang... hehe! conscious sa camera eh. tsk!


Second time na may nagprovide ng cake ko(high school pa yung 1st time). Di ko pa masabi yung totoo. Tapos, kakablow ko lang ng candle, aba, may usok na sa di kalayuan. May sunog...


video


Bale ito na yung 2nd time na nag-overnight kami kina Chet. Pero hindi ako nakapagdala ng camera nung una. Kaya yung mga videos sa preceeding post, nung araw na to talaga yun kinunan. Nawiwierduhan nga sila eh kasi parang bawat sulok na nung bahay nila Chet (3rd floor lang) kinukunan ko daw. Di nila kasi alam na may pagrereportan ako eh. hehe! Ipapaalam ko na rin sa kanila ang existence nito?? Minsan na akong tinanong ni Chet eh... kaso, parang nakakahiya yung mga pagkukwento ko. hehe! Anyway...


Nung araw na yun, may bisita... si Ly. Terno na naman sila ni Chet. Parehong nakalong sleeves na white. Dumaan sya dahil may pupuntahan sya sa UST, eh malapit lang sa UST yung bahay nila Chet, kaya yun. Sayang lang hindi na kumpleto yung mga partners eh (12 Wrenches is a partnership type.=P). Wala na si Ronnie, Ryan, Neb at si Julie Ann. Ako rin eh, nung hindi ko sila nakita, parang... oh noes! Niyabangan ko pa man din si Lyra. Hehehe!





















Ang saya ng kainan namin. Medyo na late nga lang kasi binalik pa yung kikiam sa palengke kasi maasim na daw. Bale, ang ulam na binili, tocino, kikiam at itlog na pula. Hating kapatid yung ulam namin nang biglang, natapon ni Mic yung sa kanya. Haha, kawawa. Sya pa mandin namalengke nun. Buti na lang may inihaw na bangus pa. Binigyan na lang sya ng mga donasyon galing sa mga ulam ng iba.















Sinamahan ni Chet si Ly nung pagpunta nya sa UST. Matagal-tagal syang nawala. Pag-uwi nya(past 11pm?), may pasalubong... hamburger! Yeyeyey!


Ayun, kanya-kanyang liwaliw na nga kami. Laptop, PSP tapos nood ng DVD. Nanood muna kami nung Maalaala Mo Kaya. Haha! 'Stig. Tagal ko nang hindi nakapanood nun eh. Nung matutulog na, hindi pa rin kami kasya sa aircon'ed room. Ako na ulit ang nag-volunteer sa kabilang kwarto. Sumama naman si Mimo. Tinangay ko yung portable DVD at nanood hanggang 5am. Jerry MaGuire. Ako yata ang latest na natulog.













9 am ako nagising. Gulat ako kasi hindi na ako inaantok. Alam ko kasi 8-12 hrs ang normal tulog ko para magising ng kusa. Ako ang unang bumangon, kumuha ng DVD mula sa kabilang kwarto, at nanood na ulit. Wedding Singer naman. Inendorse pa saken ni Mic yun eh... pinahiram nya akong CD. =P


Tapos, nung nagreready na kaming umuwi, dumating yung nanay ni Chet. Gash, sya pala daw yung kumatok nun sa pinto. Eh ni lock ko kasi nagbibihis ako (shucks!). Anyway, ayun, nung nalaman kong andun na nga yung nanay nya, sumama ako sa pagbaba nila sa 2nd floor tas nakisama sa pakikinig ng kwento. Ang description nila (Pau) sa nanay ni Chet ay kikay. Gumagawa sya ng sarili nyang accessories. Nagpakita pa nga syang sample eh. Hehe! Di sila makapaniwala na behind a guy like Chet, is a kikay mother. Whatta? Hehe! Pero di na ako magtataka... bading naman si Chet ah? hehe! joke lang. :-)
Bago umuwi, naglaro ng Diner Dash! Unlimited version... ang saya!



*Pupunta kami ni Pam at Pau ngayon/mamaya sa Ayala. Tsk. Kahapon kasi nalate kami kaya eto na naman! Sana di na ako malate... 5:33AM na. 730 dapat dun ang usapan. Hehe! Ayaw naming maging busy.


ipinagkalat sa ganap na::
5:11 AM

---++---

::12 Wrenches --- Overnight kina Chet::++
Monday, March 24, 2008




"12 Wrenches Car Clinic" Ito yung business name namin sa feasibility study namin which constitutes:




Paula
Roxanne
Rey Anne
Pamela
Michelle (Mimo)
Julie Anne






----=======----






Deneb
Charles
Sylvester
Ronnie
Romerson (Mic)
Ryan


Malamang sila na ang mga bagong tauhan sa mga susunod na kabanata dito. Sana nga okay lang sa lahat. Si Lyra naman ay nagpahayag na ng pagsuporta. Hehe!





------------------------===============-------------------------
February 27-28, 2008

Unang pasok ko pa lang, napansin ko na yung alikabok. Halatang walang gumagamit o nagpupunta dun. Malaki yung space sa gitna, parang yung 5th floor south wing sa PUP. May mahaba rin kasing lamesa. Napansin ko rin yung mga picture ng babies... luma na yung mga picture, sa pamilya yun ng tatay ni Chet. Ang cute, parang pang commercial ng Huggies.



video
video

these videos are taken the next day though... :(


May apat na kwarto at tatlong banyo yata sa floor na yun. Tatlo lang sa mga kwartong iyon ang nabuksan ko. Yung isa, may lumang aircon, Frigidaire, pero gumagana pa! Yung isa naman, andun sa pinaka-likod. Ang kinatatakutan nilang kwarto pag gabi pero ang lugar kung saan kami ni Mimo natulog ng dalawang beses. Yung pangatlong kwarto, hindi ko sya napansin hanggang nung last day namin dun kung di ko pa nakitang binuksan yun ni Mic. Yun ang pinaka-maliit, may double deck, pero napaka-dusty.


Sa tatlong banyo namang nakita ko, isa lang ang pwedeng gamitin. Out of order yung iba.


Ayan, on the first day, late ako. Gulat ako sa txt nila na mamamalengke na muna sila. Naisip ko tuloy na kakain lang siguro kami dun at magsasaya. Bibili din sana tuloy ako pero minadali na nila ako kaya hindi na lang. Pagdating ko, nakabalik na rin yung mga namalengke. Mukhang serious business, lahat kasi nakaupo around the long table. Kahit yung mga lalake may ginagawa eh. Except sa nagpiPSP (one at a time, salitan sila).


Ang dami ng ginawa namin... sulat ng plate numbers (based sa existing plate numbers yan), color at model ng kose, tapos yung services ng Repair shop. Hindi namin nasulatan lahat ng papel. Basta makaabot lang ng for 3 months operation yata. Basta ganun. Tapos, yung mga financial statements pa! Grabe, kelangan na naming ireview yung accounting namin. Si Chet naman yun in-charge sa floorplan, perspective view at sa vicinity map.


Dinner came, nag-ambagan kami para sa pinamalengke. Corned beef na may patatas yung ulam tapos Bibbo Chubby Cheesedog. Ang sarap! Tapos, resume to work na. Hanggang sa nagprepare na sa pagtulog yung iba. Dahil takot sa mga mumu yung ibang girls, nanakot si Ryan. Hanger+kumot+electric fan+scared emote ni Ronnie=Screaming Pau and scared Rey Anne.


Nagdala si Manang ng kape at mainit na tubig. Kanya-kanyang timpla. Tapos yung wala nang ginagawa, natulog na or nag-attempt ng matulog, rather. Dahil tulog ng tulog, na-miss tuloy yung midnight snack, pandesal with strawberry jam at orange juice na dala ni Manang ulit.


Gusto ng lahat dun sa airconditioned room kasi creepy nga dun sa alternative room. Talagang alternative lang eh no? Basta yun. Nung tulog time na, ang nasa airconditioned room ay sina Rey Anne, Vester, Pam, Mic, Ronnie, at Julie Anne. Sa scary room naman, ako, Mimo at Ryan. Si Chet, Pau at Deneb, hindi agad nakatulog. Nung umaga na lang. Singit lang sa mga available spaces. Hindi rin agad nakatulog ang mga tao... mga 4 am na rin nakatulog. Ang ingay kasi at talagang iistorbohin ka nila. Trip lang. Labas pasok sila dun sa mga kwarto. Pero dun sa scary room, nakalock. haha! Wala nang nakapasok. Nilock na kasi ni Mic paglabas nya.


Pagkagising, breakfast, sunny-side up at pancit canton... tapos work ulit. Minimisscall na si Rey Anne ng nanay nya. Kinukumusta na kami. Yun pala may kaguluhan sa PUP. Dapat may Law subject pa sila Neb at Mic nun eh, balak nilang hindi umattend, at swerte nga naman. Wala pala talagang klase. Naligo na rin yung mga girls. Present ako lagi sa kwartong pinagbibihisan... err... yuck? Hehe! Di naman ako tumitingin eh >_< Sila Mimo at Julie nga lang parang timang kasi. Nag-share daw ba sa iisang towel? Buti sana kung one after the other eh pero sabay parang conjoined twins. Sabay din kasi silang naligo.


Nakatulog na rin ako sa kwarto pagkatapos kong maligo. Ginising na lang ako ni Pau nang magbibihis na sya. Kakain na daw kasi. Lunch! Namalengke na sila ulit kaya medyo natagalan. Bibbo Chubby Cheesedog ulit tapos tocino. :)~


At take note pala, mga lalake ang namamalengke. Si Mic at Ryan lagi. Lagi kasing naghahanap ng pagkain eh. Concern nila lang parati eh yung uulamin. Pero okay na rin. Ang taas nang 3rd floor no... with the very steep stairs pa, masasasabi mo na ring dakila sila. Hehe!


Natulog na yung iba buong hapon, hanggang sa news time na! Sabay-sabay kaming nanood ng news. Featured PUP eh. Tapos nung may nagsalitang estudyante tungkol sa kung pa'no naaapektuhan yung pag-aaral nya ng mga kaguluhan, sabi nalang ni Ry, "Woo! Di naman mukhang nag-aaral yan eh. Magdodota lang yan!" Hehe! Kulit. Based on personal experience?


Mga around 9pm, niyaya na ako ni Ry umuwi. Sabay kasi kami sa España eh. Tapos sa terminal pa sya ng bus sumasakay kaya naghahabol sya ng maagang trip. Tas ayun, sumabay na rin yung iba... at dun na kami nag-impake. ^_^


ipinagkalat sa ganap na::
1:51 AM

---++---

HOME

--------------------+++--------------------

ABOUT US

A group of friends who has nothing better to do than to mess with other people's business. We have our classes at night so we lurk during the dark. We have hawk's eyes and we can see people behind our backs. Kidding! We are most of the time found around the street of Teresa. We have "unlimited-lugaw" or tapsilog (the likes) for dinner. Then we head wherever we decide to. It really depends. We frequent at the billiards game shop, internet shops and the boarding house where gang member Bhadette stays (aka Buena Bonita).

--------------------+++--------------------

MISYON

Ang layunin ng blog na ito ay ang isiwalat ang mga kabuktutan sa lipunan. Este, ang mga kalokohan ng mga batang kupkop ng BSAII-24. Tama, kupkop... sa ngayon. Ngunit nalalapit ng itaboy, at paghiwahiwalayin ng tadhana.

--------------------+++--------------------

**ATTENTION**

guys, tulungan nio kaming lagyan ito ng information. Gawa kayong short descriptions ng ating miyembro.
send to mosomosa@gmail.com since wala pa naman kayong account dito

~*Mga Moso't Mosa*~

--------------------+++--------------------

..:: ChiKa CoRnEr! ::..
TaRa, uSap TaYo! Dito! Pls. sign-in your name


--------------------+++--------------------

--------------------+++--------------------

~*friendSter*~

--------------------+++--------------------

CREDITS

special thanks to Lina for the unconditional love and support and for being the inspiration of this work! Charing! ^_^

<3 kardel

Adobe Photoshop ver. 8.0

Blogskins.com

MAGING IMPORMANTE

may nalalaman ka ba? Malugod namin kayong inaanyayahang isalaysay ang mga chismis na inyong nalalaman. ipadala lamang ang mga impormasyon sa mosomosa@gmail.com
ilagay ang pangalan bilang "Subject" (para lamang sa BSA II-24)

--------------------+++--------------------

ANG NAKARAAN
March 2007


April 2007


May 2007


June 2007


July 2007


August 2007


September 2007


October 2007


November 2007


December 2007


January 2008


February 2008


March 2008


April 2008


May 2008


June 2008


August 2008

--------------------+++--------------------